Friday, March 4, 2011

OMY Week!

Haggard. Stress. Pressures - expected ko na yan  ng sobra. Monday pa lang, kakabaliw na agad. Awoooo! Pero my week seems nice kahit todo paguran ang nangyari. xD

MONDAY

general rehearsal para sa play sa english (The Dolls that Nobody Wanted) gawa-gawa na din ng mga props. At kabado lahat kami dahil Periodical Exam at Project ang mga nakasalalay dito. ;|

TUESDAY

rehearse rehearse uli dahil kinabukasan ang super kapagod na play namin. :)) eto rin ang most-unforgettable day sa week na ito. :)) Kwento ko pa...

Gumagawa kasi kami ng props nun, edi todo haggard na ang mga tao, lahat may ginagawa. Wala ng magpipintura ng mga clouds, edi yun todo volunteer ako mag pintura. Sa kasamaang palad, enamel ang pinampintura ko... using my bare hands. xD Yeeep! Walang paint brush. Nakalimutan daw magdala. :)) Akala ko din kasi katulad lang siya ng poster paint na madaling tanggalin, yun pala. HINDI! Sakit sa kamay magkuskos. F na F ko pa namang mag pintura duon. As in, di ako nagpapatulong. xD HAHA! Ako na sira! :)) 

Nang maguwian kukunin na namin ang mga costumes sa pagawaan, sama din ako para may maitulong kasi madaming bit-bit. Laugh trip mula sa school hanggang house of costumes. Nabadtrip nga lang kami, lalo na ako dahil tumagal kami ng todo.  Tawagin na lang natin siyang HARANG.  (siya yung dahilan kung bakit kami tumagal) Kainis masyado si harang,  hindi naman pala siya sasama sa pupuntahan namin, nagpahintay pa! Nakoooo. >< 

Tapos ayun na, punta na kaming walter dahil bibili kami ng DMC for cross stitch. Mga 5:30 na yun ng hapon, traffic... Labasan ng mga elementary. Mag-gagabi na ng nakarating kami sa walter pero msaya kasi kahit na ganun, todo tawanan. Nakakainis na nakakatuwa ang pagpunta namin dun kasi, wala kaming nabiling DMC pero dahil sa pagod namin at todo ang paglalakad namin. Oyeaaaaaah! \m/ McDo kami kumain. xD HARHAR! 

Pero the best part ang pauwi. Kami ang harang sa daan. Kapit bisig kami tapos lalakad ng sabay sabay hanggang may makitang sasakyan. Sabay sisigaw ng kung ano-ano. :)) Parang EDSA, ganun. xD Kasama din namin si Phil Younghusband. Nakakita kasi kami ng plastic bottle tas sinisipa sipa na namin. xD Nakakapanghina yung tawa ka ng tawa tapos ang layo ng nilalakad mo. xD Katakot pa yung mga daan.  :)) MASAYAAAAA/ KAPAGOD much~

WEDNESDAY

PLAY NA! Todo na to! The Dolls that Nobody Wanted. xD Umaga palang ang dami ko ng dala, speakers, costume ko na pajama, pambatang shirt at stuff toy. (Baby Dolls daw kasi kami) xD At make up. Umaga palang din, haggard na kami, pawis na pawis pa. Tapos kukuha kami ng mga gamit sa 1st floor at dadalhin namin yun sa 3rd floor kung saan kami mag paplay. :| Wooooooo! Yung iba pa hindi tumutulong excited ata mag make up at yung iba ay sadyang tamad lang. Yung iba nandoon nga sa AVR pero hindi naman tumutulong, basta may masabing andito ako, nag appear ako! Mga ganun, kaya nakakainis kasi todo effort ka tapos sila, wala lang. >< Tsssssssk. 

After naman nun naging maganda ang presentation ng play namin. Good lang nakuha namin pero ok na. Yung kabilang gropu naman maganda sana kaso nakakalimutan nila yung lines. Basta we've done our best. Tama na yun. :) THANK GOD at tapos na rin ang pressures.

THURSDAY

balik uli sa dati, pa bangsak bangsak na lang uli kami. :)) Ordinary day kung baga. Pero itong day ang nagpakilabot at nagpagulantang sakin. Madami kasi akong nalaman about sa Silahis (may gusto sa babae, may gusto sa lalaki) may kilala kasi akong ganun. Anyways, it's a private matter. Kahit gusto kong i -share hindi pwede. Nakakaawa naman kasi at ayoko na ng kung ano ano. :) Smile. :D

0 comments:

 

Introducing Me Ü Copyright © 2009 Cookiez is Designed by Ipietoon for Free Blogger Template