Friday, March 4, 2011

Exempted.

Parang nung Tuesday lang ay hindi ako nakikinig at kung ano -ano iniisip ko during sa time ng Chem. pero ngayon, parang na inspired ako. Why? Exempted kami sa periodical. xD As in kameng tatlo ng aking mga ka-group mates. xD

Kasi ganito yun...

May binigay na project samin yung teacher namin, gagawa kami ng soap. Kailangan mag-dala ng mga ingredients nito. 1st week pa lang ng January nag hanap na agad ako, dahil mahirap ngang hanapin. Yung ibang hindi mahirap hanapin binili ko na kung saan saan.

Nagkaproblema pa nga sa isang ingredient na Sodium Hyrdoxide dahil sa Ortigas lang daw yun nabibili at wala din talaga akong mahanap dito sa may amin. Nung tuesday nga, nagulat kami kasi hinanap na ni Ma'am yung mga ingredients, sabi ko wala po kaming "Sodium Hydroxide" pero complete na po yung iba. Sabi niya ok lang daw yun. So kinuha ko tapos sabi niya na lang bigla "Exempted na kayo sa Periodical Exam". Kagulat gulat talaga. :))

Kaya lang naman kami na exempt dahil sa buong section namin, kami lang yung may dala. Kaya THANK GOD! Mahirap ang Chemistry. Puro moles. xD

0 comments:

 

Introducing Me Ü Copyright © 2009 Cookiez is Designed by Ipietoon for Free Blogger Template