Anyway, kahit na may kaunti akong kalaro dati, hindi ko naman sila mga ka-age. Puro mas bata ng 2-3 years old. Hindi tuloy ako makasabay sa trip nila. Pero minsan nagkakaisa kami ng trip. Yun nga, lutu-lutuan at teacher teacheran. =)) Walang ibang laro diba?
Nung nag-aral naman ako sa NKP, wala akong maalala ni isang mukha ng classmate ko, basta ang naalala ko lang na naging teacher ko si Ms. Noble at may isa pa eh, yung nakakatakot na teacher. Basta yun. At nag-aral ako sa O.B Montessori Pagsasarili Preschool. Na ngayon ay Brentwood Academy na pinasukan ko din nung ako ay Grade 3-5. Basta yun lang yung naalala ko. Ni isang muka ng classmate ko, WALA.
Nung nag-grade 3 naman ako yung dalawa kung classmate nung pre-school ako, sila uli yung mga naging classmate ko. Well, hindi impossible, mag-kaka-chikahan ang mga nanay namin. Kaya alam na, kung saan papasok yung isa susunod nadin yung iba. Actually, sa classroom namin naalala ko pa, mga 6 lang ata kaming etudyante dun. Di ba over populated? HAHA. (maliit na eskwelahan nga lang kasi)
Mga naging close ko naman yung mga classmates ko kasi nga, iilan na lang kami. Mag-aaway away pa ba kami? Pero as in, may pinaplastik kami dun. Masyado kasi siyang Straw. =)) Lalo na kaming tatlo nila *tut*,*tut* at ako. Yan yung mga anak ng kachikahan ni Ina. Close kami niyan kasi pag may gala ang mga nanay namin. Kami kami din ang magkakasama. Btw. Lalaki pala yung isa ha. Pero iba yung pag ka-close namin. Parang kung hindi dahil sa mga madears namin hindi kami magiging close. Yung mga ganung factors. =)) Hindi mo sila matuturing na parang "Kabarkada"
Actually, yung ideal friend ko nga ee, yung katulad sa "MY AMNESIA GIRL". Yung tropa ni John Lloyd dun. Sobrang nakakatawa. Hindi ka mawawalan ng kalokohan. Parang pag nagkaroon ka ng ganun. Ang saya siguro ng mundo mo. =))
Dako naman tayo nung Grade 6 na ako. K. Bagong lipat ng school. Kasama ko si *tut 1*. Pero iba trip niya, at iba din trip ko. Pero friends kami. :)) May mga nakilala ako sobrang kalog. :)) May sense kausap na nakakatawa. Hanggang 1st year, magkakasama parin kami kaya lang nagkawatak ng nag-away (oh, wag ng alamin kung bakit, basta) Pero nung 2nd year ok na. Kaya lang napahiwalay ng section ang lokang nagsusulat neto. Masaya yung days ng 2nd year kasi ang daming nakapalibot saking friends. Actually 5 ata kami nun. Pero yung pinaka lagi kung kasama ay si *toot*. Siya yung naging best friend ko? ;)) Basta. Yun na yun. PERIOD!
3rd year. Biniyayaan ako ni Lord ng isang buong section na mga kaibigan. Kalog at genius teacher. Masaya yung 3rd year life ko, lalo na yung 2nd-3rd quarter. Bakit? Ang sasaya kaya kasama ng mga katabi at nasa harap ko. Minsan tatawa na lang ako ng malakas habanga nagsusulat ang isa namin teacher. Pero nakakasunod naman ako. =)) Basta. Makatanggal baga kami tumawa.
Pero, hindi naman lahat ng Third year moments ay masaya. Pinaka worst month ko talaga ang February. Wala. Umiiyak lang kasi ako nun eh! Bakit? Feeling ko wala akong kasama. Yung mga katawanan ko dati, parang nag-bitter. Yung si *toot*, wa din. Laki ng pinagbago nun. Lagi nalang kaming away-bati tapos yan nanaman kaya ang ending craaack! Alam na. At ayoko na no! Well, siguro may kasalanan di naman ako. Ewan ko nga lang. :)) HAHA. Btw. Tapos na to. Ok na yung sa mga nakatawanan ko. Sila nga kasama ko eh! xD
Basta. Mag Pa-Pray ako na sa this coming June, may maging best friend ako na pang-forever. Yung makikitulog sa inyo, makikikain na parang walang pakealam. Pero mabait siyempre KALOG! ;))
Pansin ko lang noh, mahaba haba na rin yung post ko. Pasensya, matagal tagal akong hindi nakapag post eh! HAHA. Teka, bakit UNTITLED? Well, wa lang. =)) Wa ako maisip eh! Ang dami ko kasing naisulat na paliko-liko. xD
0 comments:
Post a Comment