Hindi naman nagtagal may kumatok sa pinto para pumasok sa kwartong iyon. Nag isip muna ako kung papasukin ko ito. Baka kasi gusto niya lang maglaro at mag ingay. O di kaya’y dumihan lang ang kwarto ko at guluhin ito. Pinag isipan ko talaga iyon ng mabuti. Pero kahit na matagal ko mang pinag isipan, ipinakita niya na kaya niyang mag hintay ng matagal at ng maayos. Nang nakita ko na ang kanyang kabutihan, pinatuloy ko din siya. Pero bago ko siya tuluyang patuluyin, sinigurado ko munang malinis siya at walang dumi. Nalaman kong masaya pala siya kasama. Nagkaroon ng kulay at dekorasyon ang kwartong iyon. Madaming madaming kulay na hindi malilimutan.
Ngunit dumating ang panahong nag sawa siya at bigla na lang lumabas sa kwarto dala ang mga kulay na nagbigay buhay sakin at mga dekorasyong nag bigay ngiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya lumabas, basta ang alam ko lang, mag isa nanaman ako sa kwartong walang kulay.
Nagalit ako sa taong iyon at sinabi kong wag niyang isarado ang pinto ng kwarto, dahil sigurado ako na may mas madaming darating na mas masayang taong magbibigay buhay sa kwartong iyon. At hindi nga nagtagal may mga dumating, kaya lang yung iba masyadong excited lumabas. Yung iba pilitan pa para lang lumabas ng kwarto. Minsan pa nga dalawa yung nasa loob. Alam mo yung parang naglalaro na lang ako at walang sineseryoso.
Siyempre para sakin masakit makita na walang nagtatagal sa kwarto ko. Hinahayaan ko na lang sila. Kasi kahit i-lock mo yung pinto may pilit na lumalabas. May sisira pa nga minsan ng padlock para lang makatakas. Akala siguro nila kinukulong ko sila para lang may magtagal sa kwartong iyon eh!
Pero mas masakit yung iba na pumapasok sa kwarto at biglang aalis at isasara ang pinto ng pag-kalakaslakas. Meron pa ngang iba na gusto lang magkalat doon sa kwarto at magtapon ng kung anu-ano sabay iiwan lang ng madumi ito. Siyempre masakit iyon dahil unti unting nasisira ang kwarto.
Pero may kumatok nanaman. Hindi ko na nga alam kung bubuksan ko nanaman yung kwarto para doon sa taong iyon, dahil baka katulad din siya ng iba. Pero binuksan ko na rin dahil mamaya umalis at baka hindi siya katulad ng iniisip ko. At natatakot ako na wala ng pumasok uli doon. Pero sinigurado ko ang lahat. Nilock ko yung pintuan ng kwarto. Para hindi agad siya makalabas.
Ngunit hindi rin siya nagtagal, sinira niya yung lock para lang makatakas. Akala ko kasi hindi siya katulad ng iba. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Na-Realize ko na nakakasawa na ang labas – pasok ng mga tao na naninira lang naman ng may kwarto ng may kwarto. Sa ngayon inaayos ko na at pinagaganda muli ang kwarto ko.
Nilock ko yung pintuan ng kwarto . Hindi muna ako nagpapasok ng iba. Wala na kasi akong tiwala sa mga tao. Pero madaming kumatok at nagtangkang pumasok sa kwartong iyon, ngunit hindi ko na sila hinayaan. Ayoko na. Baka dumihan nanaman nila ang kwartong pinaganda at pinahilom ko dahil sa sakit at dumi.
Pero eto lang ang sigurado ako, hindi ko alam kung kailan ko uli ito bubuksan, naninigurado lang. Mahirap kasi mag linis ng kalat pati mag pahilom. Basta ang alam ko, ayaw ko munang ma-inlove.
Note: It's only a revised version.
Hope you all like it. :) Actually, it's for our school paper. Because one of my classmate invited me if I would like to join their "Club". Haha. Then I found one story sa Facebook na ni - revised ko na lang. :)
0 comments:
Post a Comment